Huwebes, Marso 9, 2017

Nakakatulong ba ang mga Pangunahing Sektor ng Ekonomiya.

Ang Pilipinas ay mayroong mga Pangunahing Sektor ng Ekonomiya. Pero bago ang lahat, ano nga ba ang Ekonomiya? Ang Ekonomiya ay ang pag-aaral ng na nakatuon sa mahusay na pag-gamit ng pinagkukunang yaman sa kabila ng walang kagustuhan at pangangailangan. Ang mga Pangunahing Sektor ay nahahati sa tatlo, ang Sektor ng Agrikultura, Industriya at Paglilingkod.

Narito ako upang ibahagi ang aking kaalaman at maipaliwanag ng maayos ang aking paksa. Ipapaliwanag ko din ang mga problema sa ating ekonomiya at ang mga solusyon nito . Pati na rin ang benepisyo ng ating ekonomiya.


ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA
       
           Ang AGRIKULTURA ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpapadami ng mga hayop, mga tanim at halaman.
          Ang sektor ng AGRIKULTURA  ay binubuo ng iba't-ibang industriya tulad ng PAGSASAKA, PAGGUGUBAT ( PAG-ALAGA SA GUBAT), PAGPAPASTOL NG HAYOP at iba pa.
           Ang sector ng AGRIKULTURA ay napakahalaga sa ating ekonomiya dahil pinagmumulan ito ng PAGKAIN, HILAW NA MATERYALES at EMPLEYO.
  • MGA BATAS SA REPORMA NG LUPA
  1. NARRA
  2. CARP
  3. AFMA
  4. KALAHI ARZONE
  5. BFAR

   NARRA
             Naitatag ang NARRA ( NATIONAL SETTLEMENT and REHABILITATION ADMINISTRATION na nangangasiwa sa pamamahagi ng lupa ng pamahalaan sa mga REBELDENG nagbalik-loob sa pamahalaan at sa mga pamilyang walang lupa

   CARP
              Saklaw nito ang lahat ng lupaing agrikultural at pansakahang pampubliko at pampribado. Naging batayan din ito para sa mga sumusunod na programang repormang agraryo ng pamahalaan
 (COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM)
  
  AFMA
              Ito ay naglalayon na paunlarin ang subsectors na pangingisda.( AGRICULTURE AND FISHERIES MODERNIZATION ACT) 

    KALAHI ARZONE
              Ang mga sonang ito ay binubuo ng isa o higit pang munisipalidad na may layunin na gawing produktibo ang agrikultura.                                                                                                  

  BFAR
             (BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES) Namamahala sa pangangalaga sa mga yamang dagat.


                                                                                         ANG SEKTOR NG INDUSTRIYA
    Ang INDUSTRIYA ay nahahati sa dalawang uri ang PRIMARY INDUSTRY AT SECONDARY INDUSTRY.
    Ang sector ng INDUSTRIYA ay nahahati sa subsector ng PAGMIMINA,    KONSTRUKSYONPAGMAMANUPAKTARA at ELEKTRISIDAD at GAS
     Mahalaga ang sector ng INDUSTRIYA dahil Malaki ang gampanin nito tulad ng pag-tulong sa ating bansa na umunlad. Una dito ang KONTRIBUSYON NG DOLYAR SA EKONOMIYA at nagkakaloob ng LAKAS PAGGAWA .



 ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD

  Ang PAGLILINGKOD ay nagkakaloob ng serbisyong PANGPAMAYANAN, PAMPANLIPUNAN O PANGPERSONAL.
  Ang sektor ng PAGLILINGKOD ay isang sektor na nagbibigay ng iba't-ibang serbisyo sa mga NEGOSYO o KONSYUMER.
  Ang sektor ng PAGLILINGKOD ay maaring MAGPADALA, MAGPAMAHAGI O PAGBENTA SA KONSYUMER .

MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG ATING EKONOMIYA.
1. IMPLASYON- Ang IMPLASYON ay tumutukoy sa pagtaas sa pangkahalatang antas ng mga presyo ng mga kalakal at serbisyo sa isang takdang panahon.
                                 SOLUSYON: Pagpapatupad ng TIGHT MONEY POLICY at pagtatakda ng PRICE CONTROL.
2.KALAMIDAD- Sa ating ekonomiya, madalas tayo ay tinatamaan ng iba't-ibang KALAMIDAD tulad ng BAGYO, LINDOL, BAHA, LANDSLIDE at iba pa.
                             SOLUSYON: Huwag masyadong MAGPUTOL ng puno. Kapag pumutol man ay magtanim din. At kailangan lagi tayong handa.
3.UNEMPLOYMENT RATE- Sa ating bansa patuloy ang PAGBABAng ating ekonomiya dahil sa mga taong WALANG TRABAHO.
                                  SOLUSYON: Kailangan ang gobyerno ay magpatupad ng mga JOB FAIRS at magdagdag ng angkop na HANAPBUHAY
4.MABABANG ANTAS NG EDUKASYON- Masasabi kong mababa pa ang antas ng ating edukasyon dahil ngayon lamang napalaganap ang K-12 curriculum.
                                   SOLUSYON: Maglaan ng PONDO pang edukasyon.
5. POVERTY/KAHIRAPAN- Ito ang PINAKASULIRANIN ng ating ekonomiya ngayon. Ang kahirapan ang nagdadahilan kung bakit HINDI umuunlad ang ating ekonomiya at ang ating bansa.


BENEPISYO NG EKONOMIYA
Ang isang ibinigay na ekonomiya ay resulta ng isang proseso na sumasangkot sa ebolusyong teknolohikal nito, kasaysayan, at panglipunang organisasyon gayundin ang heograpiya nito, pagkakaloob ng natural na mapagkukunan at ekolohiya bilang mga pangunahing paktor. Ang mga paktor na ito ay nagbibigay ng konteksto at nagtatakda ng mga kondisyon at parametro kung saan ang ekonomiya ay gumagana. Ang isang nakabatay sa pamilihang ekonomiya ay maaaring mailarawan bilang pang-espasyong limitadong network na panlipunan kung saan ang mga kalakal at serbisyo ay malayang nalilikha at naipapalit ayon sa pangangailangan(demand) at suplay sa pagitan ng mga kalahok(mga ahenteng ekonomiko) sa pamamagitan ng barter o isang medium ng pagpapalit na may halagang kredito o debito na tinatanggap sa loob ng network. Ang kapital(puhunan) o trabaho ay maaaring gumalaw ng malaya sa buong mga lugar, industriya at mga negosyo sa paghahanap ng mas mataas na tubo, dibidende, interes, mga kompensasyon at mga benepisyo. Ang renta sa lupa ay naglalaan ng pangkalatang nakapirmeng pinagkukunang ito sa mga magkakatunggaling tagagamit. Ang kontemporaryong kapitalismo ay isang ekonomiyang pamilihan kung saan ang karamihan ng kapasidad ng produksiyon ay pag-aari o dinidirekta ng pribadong sektor. Ang papel ng pamahalaan ay limitado sa pagbibigay ng pagtatangol at panloob na seguridad, paglalapat ng hustisya at mga bilangguan, paggawa ng mga batas at regulasyon, pagpapatupad ng mga kontrata, batas at regulasyon, pagtutuwid ng mga imperpeksiyon sa pamilihan at mga kabiguan, pagsisiguro ng buong trabaho nang walang inplasyon, pagtataguyod ng paglagong ekonomiko at pag-unlad, pagbibigay sa mga mahihirap, bata at matatanda, pagpoprotekta at pagtulong sa mga emerhensiya at mga natural na kalamidad, pagbibigay ng mga basikong oportunidad sa lahat ng mga kasapi ng lipunan, pagpipigil ng mga pang hinaharap na kalamidad at sakuna, at pagpupursigi ng mga pambansang layunin na itinatag ng pangkalahatang lipunan gaya ng proteksiyon ng kapaligiran at mga natural na mapagkukunan. Sa kabilang dako, ang tradisyonal na sosyalismo ay isang nakabatay sa utos na ekonomiya kung saan ang mga pamilihan at ang malayang pagpapalit ng mga kalakal at serbisyo gayundin din ang pagmamanupaktura, produksiyon, kalakalan at distribusyon ay pinapalitan o ginagawa ng isang sentral na pagpaplano ng pamahalaan at pag-aari ng estadong mga negosyo. Sa ekonomiyang ito, ang lahat ng mga pribadong may ari ng kapital(na tinatawag na kapitalista) at ng lupain(mga may ari ng lupain) ay hindi pinapayagan o pinagbabawalan at ang tanging pinapayagang pribadong pag-aari ay ng mga kalakal ng konsumpsiyon. Ang kapital at lupain ay itinatakda ng estado at ang galaw ng trabaho ay labis na nililimitahan. Walang mga tubo, dibidende, interes o renta. Ang mga kompensasyon sa trabaho at mga benepisyo ay pinagpapasyahan ng mga sentral na nagpaplano. Ang pinakahuli na isang halong ekonomiya ay naglalaman naman ng mga elemento ng parehong kapitalismo at sosyalismo na nangangahulugang isang nakabatay sa pamilihang ekonomiya na may iba ibang digri ng sentral na pagpaplano ng pamahalaan at pag-aari ng estadong mga negosyo.


https://tl.wikipedia.org/wiki/Ekonomiya

4 (na) komento: